Friday, May 10, 2013

Muling idinidiin ng PKP ang lubos na pagkilala sa Negotiating Panel ng NDFP





Muling idinidiin ng PKP ang lubos na pagkilala sa Negotiating Panel ng NDFP


Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Mayo 08, 2013


Translation: CPP reiterates full recognition of NDFP Negotiating Panel
Muling idinidiin ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang lubos na pagsuporta at pagkilala nito sa Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na pinamumunuan ng hepe nitong si Luis Jalandoni at ng punong pampulitikang konsultant nito na si Prof. Jose Maria Sison.
“Walang batayan sa saligan ang mga intrigang pinalalaganap ng rehimeng Aquino at ng mga negosyador nito sa nakaraang ilang araw na malisyosong nagpapahiwatig ng ‘banggaan’ sa pagitan ni Professor Sison at ng mga rebolusyonaryong pwersa sa Pilipinas,” pagdidiin ng PKP. “Lubos na sinusuportahan ng pamunuan at ng buong kasapian ng PKP at lahat ng rebolusyonaryong pwersa ang Negotiating Panel ng NDFP.”
“Bumaling na ang rehimeng Aquino sa gayong kababang antas ng pang-iintriga sa desperadong pagtatangka nitong bigyang-katwiran ang makaisang-panig na pagkitil nito sa negosasyong pangkapayapaan sa upisyal na panel ng NDFP at para maisakatuparan ang plano nitong tinaguraiang lokalisadong usapang pangkapayapaan,” anang PKP.
“Sa interes ng pagpupurisige sa landas ng usapang pangkapayapaan, pinananatiling bukas ng lokal na pamunuan ng NDFP ang tanggapan ng Negotiating Panel na nakabase sa Utrecht, The Netherlands sakaling magbago ng isip ang rehimeng Aquino at tumugon sa kahilingan ng mamamayan na ipagpatuloy ang pormal na negosasyong pangkapayapaan sa NDFP,” anang PKP.
Anang PKP, ang tinatawag na “planong ‘lokalisadong usapang pangkapayapaan’ ay walang iba kundi isang saywar na pampublikong gimik na layong ilarawaran ang rehimeng Aquino na interesado pa sa kapayapaan, na sa totoo naman, ay walang interes na harapin ang sosyo-ekonomiko at pulitikal na mga ugat ng armadong tunggalian sa Pilipinas.”
Wala ni isang yunit ng BHB o naumunong komite ng PKP ang mabibitag sa ‘pakanang lokalisadong usapang pangkapayapaan’ ng rehimeng Aquino,” giit ng PKP.
“Sa tabing ng ‘lokalisadong usapang pangkapayapaan’ at pakikipagtulungan sa umano’y mga “stakeholder” dito, mistulang kakausapin lamang ang gubyernong Aquino sa sarili nitong anino. Asahan natin na sa mga susunod na taon na buong-garbong palalabasin na naman ng mga upisyal sa depensa at seguridad ni Aquino na may diumanong “pagsuko ng BHB” upang bigyang-matwid ang mga sosyo-ekonomikong programa nitong batbat ng korapsyon at ang pagbulsa ng milyun-milyong gantimpala na inilalaan ng Department of National Defense at Department of Interior and Local Government.”



OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES

Human Rights Advocacy Promotions | Human Rights



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

———————————————————————————————–
————————————————————
—————————–

0 comments:

Post a Comment