FROM THE WEBSITE OF OPPAP
links: http://www.opapp.gov.ph/news/mensahe-ni-pangulong-aquino-para-sa-national-peace-consciousness-month
Mensahe ni Pangulong Aquino para sa National Peace Consciousness Month
Nagkakaisa ang ating sambayanan sa pagtataguyod ng National Peace Consciousness Month. Sabay tayong nagpapasalamat sa kapayapaang tinatamasa natin ngayon at unti-unti nang sumisilip sa Katimugan ng ating bansa. Kapwa tayo nagsisikap na isulong ang pagkakaunawaan sa bawat sulok ng Pilipinas, nang sa gayon tuluyan na nating malampasan ang kasaysayan ng hidwaan sa ating bayan.
Maliwanag sa mga Pilipino: Hindi na dapat magpatuloy ang ilang dekadang takot na namayani sa ilan sa ating mga pamayanan. Hindi na nararapat na madagdagan ang bilang ng ating mga kababayang gulo ang kinagisnan at nawalan na ng pag-asang may matiwasay na bukas pa silang kamumulatan. Hindi na natin hahayaang manatili ang sistema kung saan laging may naiiwan.
Tipunin nawa tayo ng okasyong ito upang higit na mapagtibay ang ating paninindigan para sa kapayapaan. Tulungan nawa tayo nitong paghilumin ang mga pilat ng nakaraan at pagtibayin ang ugnayan ng Pilipinong minsang binalot ng pag-aalinlangan. Sa magkasama nating pamamanatang buuin ang isang tahimik at maunlad na bansa, patuloy nating naisasakatuparan ang pangarap nating kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Batid nating marami pa tayong kakaharaping pagsubok sa tuwid na daan at nananatili sa baybayin ang banta ng kaguluhan, ngunit sa pagsisikap nating makipagdiyalogo at taos-puso nating pakikiambag sa reporma, alam kong mananaig ang katuwiran: Maisasantabi natin ang armas at alitan at mapapayabong ang kapayapaang bunsod ng pagkakaisa ng layunin, tiwala, at paggalang sa karapatan ng bawat isa.
OPPAP Website
links:
OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES
PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS
————————————————————————
—————————————————-
—————————–
—————————————————-
—————————–
0 comments:
Post a Comment