Monday, January 16, 2017

Mga peace rally, malawakang inilunsad




From the Website of PRWC CPP-NPA-NDF
Article links: https://www.philippinerevolution.info/publications/article/1093/


Mga peace rally, malawakang inilunsad

Sa iba pang bahagi ng bansa, inilunsad din ang mga pagdiriwang at peace rally sa iba’t ibang antas.

Samar. Mahigit 3,000 masang magsasaka, kababaihan, kabataan at mga alyado mula sa walong bayan sa Northern Samar ang dumalo sa idinaos na selebrasyon. Sa pangunguna ng Rodante Urtal Command at komiteng seksyon ng Partido sa saklaw na mga klaster ng mga baryo, naisakatuparan ang pagdiriwang ng anibersaryo at natiyak ang mga pangangailangan ng mga dumalo sa aktibidad. Umabot sa isang batalyong milisyang bayan ang napakilos para tiyakin ang seguridad sa erya at koordinasyon sa kalapit na baryo.

Negros. Noong Disyembre 22, naglunsad ang BHB-Apolinario Gatmaitan Command (AGC) ng peace forum sa isang sonang gerilya sa Central Negros. Umabot sa 3,000 ang nakiisa sa programa at pagdiriwang.

Ayon kay Ka Juanito Magbanua, isa sa mga kumander ng BHB-AGC, ito ang pinakamalaking pagtitipon na kanilang inorganisa makalipas ang maraming taon.

Dumating sa aktibidad si Ka Frank Fernandez, tagapagsalita ng NDF-Negros. Ani Fernandez, mahigit tatlong dekada nang idinideklara ng AFP na siya’y yumao na o may matinding karamdaman, ngunit patunay ang kanyang pagdalo na siya’ y nabubuhay at nananatiling tinig ng rebolusyonaryong kilusan sa isla ng Negros.

“Akala nila kung mamamatay si Frank Fernandez, may epekto ito sa rebolusyon. Ngunit tumingin kayo sa paligid, tingnan ninyo ang lahat ng kabataang Pulang mandirigma na naririto at ang rebolusyonaryong masa. Sila ang nagtitiyak na mag papatuloy ang rebolusyon,” dagdag pa nito.

Southern Tagalog. Sa isang sonang gerilya sa kabundukan ng Sierra Madre, Quezon, mahigit dalawang libong mamamayan ang nakiisa sa peace assembly na pinangunahan ng BHB – Melito Glor Command.

Sa kabila ng paghagupit ng bagyong Nina sa Timog Katagalugan noong Disyembre 26, itinuloy pa rin ng mga Pulang mandirigma ang pagdiriwang sa ika-48 anibersaryo ng PKP, noong Disyembre 28, dalawang araw makalipas ang orihinal nitong iskedyul. Kasabay nito, pinangunahan ni Ernesto Lorenzo, consultant ng NDFP para sa Timog Katagalugan, ang inilunsad na peace forum.

Habang tiniyak naman ni Ka Cleo del Mundo ng Melito Glor Command, ang paglilista ng mga bagong rekrut sa BHB.
Ani Ka Diego Padilla, tagapagsalita ng Melito Glor Command, nanguna ang hukbo sa pagtulong sa mga taumbaryo na maibalik ang nasira nitong mga tahanan at pananim.

Panay. Magkakasabay na naglunsad ng pagdiriwang ng ika-48 anibersaryo ng Partido at peace forum ang mga larangang gerilya sa Panay. Sa programa ng BHB-Central Panay (Jose Percival Estocada Command), hinikayat ni Ka Mara, pampulitikang instruktor ng Igabon Platoon, ang mga kabataan na sumampa sa BHB. Kauna-unahang pagkakataon itong ibinukas ng larangan ang aktibidad sa publiko. Mahigit 500 ang dumalo sa aktibidad, kabilang ang mga katutubong Tumandok at mga kasapi ng rebolusyonaryong organisasyon sa rehiyon. Sa isang sonang gerilya ng Eastern Front-Panay (Nonito Aguirre Command).

Kaugnay din sa panawagan na itaguyod ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP, naglunsad ng operasyon dikit at candle lighting ang mga kasapi ng BAYAN-Panay sa harap ng Jaro Cathedral noong Disyembre 26. Kinundena rin nito ang nagpapatuloy na mga operasyong militar sa mga baryo at sentrong bayan.

Bicol. Umaabot sa 700 ang dumalo sa pagtitipon na idinaos ng BHB-Sorsogon (Celso Minguez Command o CMC) sa isang larangang gerilya sa lugar. Ipinahayag ng CMC ang kanilang mahigpit na pagtalima sa deklarasyon at tagubilin ng Partido ukol sa tigil-putukan, kahit na napakahirap iwasan ang reaksyunaryong pwersa na hindi sumusunod sa sarili nitong deklarasyon ng tigil-putukan. Ayon naman kay Ka Carlo ng CMC, puspusan ang pagpapalakas ng BHB sa prubinsya bilang paghahanda na rin na mag-ambag sa iba pang larangan sa buong rehiyon.


CPP/NPA/NDF Website



OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES




PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------

0 comments:

Post a Comment